Ito yung kuha namin after namin lumuha sa saya nung pinaalam nya saking pasado sya sa CCNA exam.
Nakita ko yung tyaga at determinasyon nya sa pagaaral para sa exam na ito. Ilang gabi din sya hindi makatulog dahil sa pagaalala kung ano yung magiging resulta nito. Madami na din kasing nakataya.
Hindi biro yung kaba habang nagaantay ako sakanya na matapos magexam. Madaming tumatakbo sa isip ko na lalong nakakapagpalakas ng kabog ng dibdib ko.2
Awa ng Diyos, pinagkaloob nya yung sapat na kaalaman para makuha yung certification na kanyang inasam.