17 | Day 11 of 366

Hi Anak,

Sorry kung hindi consistent yung pag gawa ko ng blog. Try ni mommy bumawi ok? Rundown nalang din kita this past few days.

Jan. 5, 2024 – wala naman tayo masyadong ganap nito anak, kasi nasa bahay lang tayo.

Jan. 6, 2024 – nag SM tayo. Bumili kami ni Daddy ko ng clothes mo tyaka shoes kasi lagi na kami sinisita na nakapaa ka daw and baka hindi ka masanay magshoes. Tapos nung nakapila kami sa counter, may nakita akong pang upuan ng baby sa bowl na makakatulong satin pag nagwwash si mommy ng pwest ni Austin pag pumupo.

At ayun nga, paguwi natin, natry mo agad hahaha

Jan. 7, 2024 – Umattend tayo ng surprise bday party ni TitoLo Aries mo sa Silang. Buhat ka ni MamaLa all the time. Good boy ka naman. Natutuwa ka din dun sa ilaw sa jacuzzi na parang gusto mo din maglublob kasi nakikita mo yung mga kids na nagsswim.

Jan. 8, 2024 – Nadiscover mo yung Kiat Kiat. Nasarapan ka sa juice na lumalabas kada kinakagat mo. Kumain ka din ng saging for merienda. Then, paguwi ni Daddy mo nung hapon, nag grocery tayo sa waltermart.

Jan. 9, 2024 – Birthday ni MamaLa. Sinurprise natin sya nung birthday dinner nya. Naiyak sya kasi kala nya hindi tayo makakapunta.

Kumain ka sa fav resto mo na Marugame Udon. Nageat ka ulit ng beef, chicken and rice. Parang sinubuan ka din ni MamaLa mo ng tempura.

Jan. 10, 2024 – Nasa bahay lang tayo nito anak. Wala namang ganap. Dumaan si Daddy mo sa health center and tinanong kung available na yung bakuna mo sa kinabukasan, available na daw so pumunta daw tayo ng umaga sabi ni Daddy mo kasi gusto ka nya talaga maturukan ng anti Measles

Jan. 11, 2024 – Bakuna Day mo. Thank God, mabilis lang tayo. Saglit lang tayo nag antay na maturukan ka. Dalwang turok ka today, isa sa hita, isa sa braso. Finally may 1st dose ka na ng anti measles.

Matagal tagal nadin nung huling bakuna mo kaya siguro nasaktan ka talaga ngayon, and dalawang turok ba naman kasi.

Natawa nga sayo yung mga health worker kasi habang nag aantay tayo ng pangalawang turok mo, umiyak ka nung nakarinig ka ng iyak ng tinurukan na baby. Sabi nila, β€œbakit ka umiiyak, hindi na,an ikaw ang tinurukan” hahahaha. Kawawa naman ang baby ko na yan.

Pero thank God, kasi kahit dalwang turok, hindi ka naman nanghina. Kulit ka parin and super likot. Hindi ka rin nawalan ng gana kumain. Good job anak. I love you

Kwentuhan ka ulit ni Mommy ha. Mahal ka namin ni Daddy mo 😘

16 | Day 4 of 366

Hi Anak!

Maagang nagsimula ang araw natin kasi may schedule yung health center ng immunization para sa mga babies. Need mo na kasi maturukan ng anti Tigdas.

Bago mag 8am, pinaliguan na kita. Which is unusual. Buti na nga lang hindi ka nagreklamo e.

Few minutes past 8am andun na tayo, ikaw pinakamalaking baby na nakapila dun. Mga kasabay mo new born palang.

Matagal din tayong nagantay. Nainip ka na nga.

Tapos nung tinawag tayo, sabi nila walang available na anti Measles vaccine so balik daw tayo next week kasi isasabay tayo sa ibang baranggay na may schedule.

Para hindi sayang yung labas natin, kumain nalang tayo sa McDo

Gusto mo talaga yung pancake ng McDo anak. Kaya yun na lagi ko inoorder pag nag mMcdo tayo.

Sana lang maging kasing gana ka ng tulad ng pagiging magana mo sa pancake ng McDo anak. Feeling ko kasi nakukulangan ka na sa nutrients na nacconsume mo per day. Hindi na kasi sapat yung milk ni mommy for you.

Kwentuhan ulit kita anak. I love you, mahal na mahal ka namin ni daddy mo 😘

15 | Day 3 of 366 ng 2024

Hi Anak,

Matagal tagal din since nung nakapagblog si mommy mo kasi ang daming nangyari.

Pero since mag 1 year ka na anak, gagawin ni mommy ang lahat para makakeep up tong blog na to para paglaki mo may mga babasahin ka tungkol sa pagka baby mo

Kasalukyan ka palang nag aafternoon nap at nagising ka sa huni ng ibon na namugad na ata sa aircon natin hahaha

Ayan ka oh…

Kwentuhan lang kita about sa nangyari sayo this past few months…

Huling blog ko dito anak, mata mo lang malikot sayo. Ngayon, mapakalikot mo na! Hahahaha. Kaylangan pa namin magpagawa ng tv rack para lang maging safe yung TV natin from you.

Pero ang nakakatuwa sayo, kahit napakalikot mo na, hindi ka parin nagbabago sa pagiging good boy. Hanggat maari hindi ka umiiyak. Unless antok or gutom ka na talaga.

Actually, natuto ka nadin umiyak pag naiiwan ka namin. Tulad ng pag may ginagawa kami sa kusina ni Daddy mo tas naiiwan ka sa sala.

Naconfine ka din pala anak nung December 2023, after mo mag 9 months, nagkasakit ka. First time mo magkasakit ng ganun, medyo malala pa. Naconfine ka sa Medical City kung saan ka pinanganak. Inalagaan ka dun ni Tita Daldal. Dumalaw din si MamaLa at PapaLo. Ilang araw din hindi pumasok sa work si Mommy at Daddy para bantayan ka. Awa ng Diyos pinagaling ka nya few days before mag Christmas. Kaya nakapagcelebrate tayo ng Christmas sa bahay natin.

Ngayong 9 months ka na, marunong ka na mag high five at nose to nose. Tinuturuan din kita mag align. Kaya lang ayaw mo parin aralin yung close open haha! Nagtataka sila bakit may iba ka ng natutunan pero yung isa sa punaka basic, di mo pa magawa. Iba ka talaga anak hahaha

Kwentuhan nalang ulit kita sa mga susunod na blogs pag may naalala ako ha.

I love you anak, mahal na mahal ka namin ni Daddy mo! 😘

13 | Sorting out your newborn clothes

Hi Anak,

Habang ginagawa ko tong blog na to, inuugoy kita sa crib mo kasi you’re having your morning nap at umiiyak ka pag tinitigil ko yung pagugoy ng crib mo.

Pasensya kna kung hindi na ako lagi nakakapag blog pero i’ll do my best na makabawi

Ngayong araw na to, you are now 3 months and 2 days. Which also means na dumating na ang pag end ng duty ng iyong new born clothes kasi 0-3 months lang yun.

Ang nostalgic lang ng feeling kasi dati hindi ko malaman saan shop ako bibili. Thank God nalang din sa mga online shop ngayon, no need na kami pumunta ni Daddy mo sa Baclaran or Divisoria to buy you clothes nung nasa tyan palang kita. Lagi nila ako sinasabihan na wag masyado madami ang bilhin kasi malalakihan mo din naman daw. Hanggang sa lumabas ka na, kakapigil nila sakin bumili ng mga damit mo, umabot sa point na nagkulang na yung pambahay mo.

Ngayong araw na to, since 3 months ka na, na outgrow mo na yung mga newborn clothes mo. Lagi ng nakalabas yung pusod mo sa mga pambahay mo. Lagi ka nadin umiiyak pag binibihisan kita kasi ang sikip na ng armhole dahil chunky na yung braso mo.

Happy and sad si mommy mo habang inaayos yung mga damit mo. Almost wala ka ng natirang damit. So bumili na kami ng bago.

Nasasad ako kasi lumalaki ka na talaga. Ito kasi yung unang beses na magtatabi na ako ng mga damit na nalakihan mo. Parang kaylan lang, para kang hanger dyan kasi ang luwag sayo. Yung mga de butones mong pambahay, hindi na kaylangan buksan kasi ang luwag sayo. Ngayon, crop top na yung mga pambahay mong yun. Lagi na nakalabas yung pusod mo.

Happy ako kasi lumalaki ka na talaga. Thank you kay Lord kasi lumalaki kang healthy and happy baby.

Mahal na mahal kita anak. Mahal na mahal ka namin ni Daddy mo.

012.5 | The continuation of your birth story

Hi Anak,

Ang haba na kasi nung previous post. Baka mabored ka na basahin. Kaya dito ko nalang icontinue. Total nass exciting part naman na tayo.

5:11am ngayon, kakalipat ko lang sayo sa higaan mo kasi ang likot mo habang nakahiga ka sa dibdib ko. Hindi ako makapagtype

Nasa loob na ako ng operating room. Sobrang lamig. Nanginginig na ako. Nagworry din ako kasi baka tumaas nanaman yung blood pressure ko kasi hindi ako kumportable. Baka may mangyare sakin during operation.

Kaya as soon as kinabit na sakin yung pang check ng pulse and blood pressure ko, tinignan ko yung results. Thankful lang din sa mga caring nurse kasi may binalot sila sakin na pampawarm para di ako ginawin.

After nila ako mapasettle sa operating room, nagsidatingan na ang mga doctor. Karamihan di ko kilala. Medyo nahuli din ng dating yung OB ko.

Nagpakilala na sakin yung anesthesiologist. Nakipag small talk. Then after, diniscuss nya na sakin yung mga dapat kong iexpect pag naiturok na sakin yung spinal anesthesia.

Alam mo anak, sa TV ko lang to napanuod. Yung kay Jenny ng Endless Love. Pinakita kasi dun kung pano sya tinurukan ng spinal anesthesia dun at sakit na sakit sya. So kinabahan ako kasi baka masaktan din ako. Pero nilakasan ko nalang yung loob ko. Kasi once na maiturok na sakin yun, oras o minuto nalang ang bibilangin, makikita ka na namin.

Pinatagilid na ako. May lalaking nag assist sakin kasi kaylangan ko ibend yung legs ko papalapit sa tyan ko. At ramdam ko yung kaba ni kuya. Parang sya pa yung mas kinakabahan kaysa sakin haha.

May pinahid na sakin na pampamanhid bago pa iturok yung anesthesia. After mag take effect yung ointment, tinusok na yung spinal anesthesia. Thank God, wala ako masyadong sakit na naramdaman. Parang slight sting lang.

Nilagay na yung kurtina sa dibdib ko para hindi ko makita yung gagawin sa tyan ko. Tapos, nagsimula na sila…

Nakita ko pa kung pano nilagyan ng sangkatutak na betadine yung tyan ko. Nagrreflect kasi sa pang ilaw na nasa ibabaw ng higaan kung ano ginagawa nila sakin.

Nilapitan ako ng anesthesiologist, sabi nya, nanunuod ka pala. Tapos, nakita ko na may tinurok sa swero ko. Yun siguro yung pampatulog. Para d na ako makanuod sa operation.

Tinry ko labanan yung pampatulog. Pero natalo ako. Sunod ko ng narinig ay “Baby Out” sabi nung isang lalaking doctor. Tapos dun ko na narinig yung iyak mo. Ang sarap sa tenga anak. Doon na nagsimula tumulo yung luha ko. Tears of joy. Sobrang iyak ko nun anak dahil sa sobrang tuwa.

Kaya pala sa TV pag narinig ng mga nanay yung iyak ng anak nila ay naiiyak din sila kasi ganun pala yung feeling nun. Naiintindihan ko na.

Unang picture natin

Tapos nagblack out na out ako. Sunod na nagkamalay ako, tinutulak na yung higaan ko sa room kung saan ako nag labor. Tapos may nakita akong lalakeng pamilyar na nakatayo sa gilid. Ang tagal ko bago sya nakilala. Si Daddy mo pala. Nasabi ko nalang saknya “ui, ikaw pala yan”. Sabi nya, kanina pa daw sya dun.

Dinala ka papunta sakin tapos pinatong ka sa dibdib ko. Pinapaglatch ka nila sa breast ko. Nung time na yun naisip ko, meron kaya akong gatas na mapproduce. Gusto sana kita hawakan nyan kaya lang hindi pa bumabalik yung lakas ko. Pero napangiti nalang ako kasi andyan ka na talaga.

After ka ipalatch sakin, nag blackout na ulit ako. Nakalabas na pala si Daddy mo at nasa room na sya. Tayo naman, nasa recovery area. Doon kita nakita ng malinaw at ng may malay na talaga ako. Nasa bassinet ka nun, medyo malayo ka sakin. May mga nurse nag aasikaso sayo. Meron din sakin.

Narinig ko na sila naguusap na piniprepare na daw yung kwarto para maiakyat na tayo. Medyo matagal din yung inantay natin nun. Hanggang sa tinanong na ko kung naiaangat ko ba daw yung legs ko. Ginawa ko yung best ko para maiangat na yung legs ko para makaakyat na tayo sa room at makasama na natin si Daddy mo.

After ko iangat yung legs ko, may go signal na tayo para makaakyat na sa kwarto. Sinakay tayong dalawa sa elevator. Then pag pasok natin sa kwarto, tulog si Daddy mo. Mga 1am na din kasi yun. Almost 24 hours na syang gising kasi maaga pa sya pumasok ng office.

012 | Happy 1month old Anak

Hi Anak,

Habang sinusulat ko to, kasalukuyan kang nakahiga sa dibdib ko kasi kakatapos mo lang dumede sa 1am schedule ng gutom mo. Kakatapos lang din kita palitan ng diaper kasi puno na yung diaper mo.

1 buwan nadin Pala nung araw na yun…

Kwentuhan kita Anak, paano ka lumabas sa mundong ibabaw. In short, your birth story…

March 14, 7:30am. Habang natutulog ako, bigla Kong naramdamang may basa sa panty ko. Kala ko hindi ko lang napigilan yung ihi ko kasi madalas akong maihi dahil sa pagbubuntis sayo.

Inamoy ko pa yung liquid na lumabas sakin to make sure na ihi ba talaga yun. Pero kakaiba yung Amoy. Hindi sya mapanghi, kundi, malansa. Kaya suspecha ko, amniotic fluid mo na yung lumabas sakin.

Dahil di ako sigurado, si MamaLa agad tinawagan ko. Sabi ko sakanya nun, “Ma, pumutok na ata yung panubigan ko”. Dahil hindi din ako sigurado kung ano talaga yung lumabas sakin. Tapos Sabi ni MamaLa mo, inform ko na daw yung doctor and si Daddy mo.

So sunod ko ng tinawagan si Daddy mo para mainform sya sa kung anong nangyari sakin. Then tinawagan ko naman yung Doctor ko and sabi nya pumunta na daw ako sa ER.

Dahil dalawa lang kami ni PapaLo mo sa bahay, ininform ko nadin sya para maipagdrive na tayo papuntang ospital.

Nung sinabi ko kay PapaLo mo yun, di ko masyado magets kung natataranta ba sya o relax lang sya. Kasi nagawa nya pa linisin si Fort bago pa kami umalis hahaha. Chill lang din syang magdrive nung papunta kami ng hospital.

Pag dating namin sa ospital, dumerecho agad ako sa ER. Nagantay ako ng nurse na mag aasikaso sakin. Hanggang sa dinala na nila ako sa room kung saan humiga din ako noong una akong inatake ng gerd (nakwento ko na yun sayo sa nauna kong blog dito)

Ang hirap humiga dun kasi hindi ako makaikot. Mahirap kasi tumihaya nung nasa tyan pa kita.

May mga lumapit na saking nurse at inasikaso na ako. Kala nila magisa akong pumunta ng ospital, kasi ako lang yung pumunta sa ER. Lagi din nila hinhanap si Daddy mo. Kaya lang kasalukuyan pa syang nasa byahe nung inaasikaso nila ako.

After some tests na ginawa sakin, tinusukan nadin ako ng swero and pang replace sa amniotic fluid na patuloy na lumalabas sakin. Sa wakas dumating na si Daddy mo. Hapong hapo. Kitang kita sa muka nya yung pag aalala satin, anak.

Natatawa nga sya kasi binilinan ka daw nya na wag ka daw lakabas ng Tuesday kasi coding sya at baka mahuli sya pag bumyahe sya. Pero Tuesday mo naisipang lumabas haha. Medyo di ata kayo nagkaintindihan ni Daddy mo sa bilin nya.

Pagkadating ni Daddy mo, pinakuha ko na saknya yung gamit natin para makauwi na si PapaLo. Kasi need nya magpahinga kasi may byahe pa sya sa hapon.

Pagtapos nya makuha yung mga gamit natin, ininform na sya mg doktor na nag aasikaso sakin sa ER na for admission na tayo and need nya na asikasuhin yung papers para maadmit na tayo

After nya mag fillup ng ilang forms, nilipat na ako sa stretcher para madala na ko sa labor room.

Doon na nagsink in na malapit na talaga namin ikaw makita. Oras nalang ang binibilang.

Ang dami kong first time noon, anak. Noon lang ako naisakay sa stretcher tapos sinakay sa elevator. Kung pwede ko nga lang sabihin na kahit maglakad nalang ako or kahit sa wheelchair nalang kasi kaya ko pa naman. Nakakailang kasi haha.

Pag labas namin sa elevator, may sumalubong saming nurse. Tapos doon na nangyare yung scene na parang sa pelikula. Sabi ng mga nurse sa Daddy mo, “sir bawal na po kayo sa loob, hanggang dito nalang po kayo”. So naiwan sa labas si Daddy mo, at pinasok na ko sa loob.

Kala ko, yung labor room na pagdadalhan sakin ay yung mga kasama akong ibang buntis na naglelabor din kasabay ko. Pero hindi, ako lang magisa. At may dalwa o tatlong nurse na nagbabantay sakin.

Doon na nagsimula ang waiting game, kung saan madedetermine namin kung paano kita mailalabas sa mundong ibabaw.

Habang inaantay, may kinabit sakin para marinig at mamonitor ung heartbeat mo. Bale yun yung soundtrip ko sa loob ng labor room, yung pagtibok ng puso mo. Na nakakapagpakalma sakin kasi ibig sabihin nun, ok ka pa sa loob ng tyan ko.

Since wala naman masyadong ganap, umuwi muna si Daddy mo kasi may mga kulang pa sa gamit na dala ko. Bumili nadin sya ng makakain ko kasi hindi na ako nakapagbreakfast bago pumunta ng ospital.

Chineck ng doctor kung bumababa ka na daw. Pero kasalukuyan pang 1cm palang yung opening ng cervix ko, sobrang liit para magkasya ka. Kaylangan kasi maging 10cm yung opening para mailabas kita. So sabi ng doctor, icheck nya daw ulit ako after lunch baka mas bumuka na yung cervix ko.

After ako icheck ng doctor, dumating na si Daddy mo at sa wakas, I had my first meal of the day. Nagpabili ako ng Chowking Chao fan na may siomai at naubos ko yun in less than 5 minutes.

Bumalik na yung doctor after ko maglunch at chineck ulit yung cervix ko. Pero 1cm padin. Kinakausap na kita nun na tulungan mo ko bumuka yung cervix ko. Tulungan mo ko ipush ka pababa. Para makapag normal delivery tayo.

Simula na ulit ng waiting game. Hanggang sa dumating na yung OB ko talaga na nag aalaga satin. Sabi nya, pag 7pm daw tapos 1cm parin yung opening ng cervix ko, vua Cesarian section ka na daw iddeliver.

Todo todo na yung dasal ko at pakiusap sayo na magtulungan tayo sa pagbuka ng cervix ko para maging convenient satin parehas yung pagdeliver ko sayo.

3pm na, chineck ulit yung cervix ko. 1cm parin. Binigyan na ko ng tip ng mga nurse. Kada daw humihilab yung tyan ko, iire daw ako ng very light para mapush ka pababa. So ginawa ko yun…

5pm, chineck ulit. Tinanong kung kamusta ba yung pain pag nahilab yung tyan ko. Sabi kasi the more na nabuka ung cervix, mas sumasakit daw. Kaya lang, kada nahilab, nakakaya ko pa yung sakit. So ibig sabihin, hindi pa bumubuka yung cervix ko. Pagka check ng doctor, 1cm parin. Nawawalan na ko ng pag asa na ma normal delivery kita kasi malapit na mag 7pm pero hindi parin bumubuka ung cervix ko.

Sinimulan ko na iready yung sarili ko na via CS kita mailalabas.

Pumasok si Daddy mo sa labor room kasi di daw sya mapakali sa room na naassign satin. Nakiusap sya sa nurses na makita ako at makamusta kasi di na din ako masyado makachat saknya kasi focused ako nun sa pagapapabuka ng cervix ko.

Kinausap ka nya at kinamusta. Nung narinig mo yung boses nya, sumipa ka. Siguro parang sinasabi mo kay Daddy mo na don’t worry kasi ginagawa natin yung best natin and safe and healthy ka parin naman sa loob ng tyan ni Mommy.

Then came 7pm, dun na dineclare ng OB ko na for CS na talaga ako kasi hindi parin bumubuka yung cervix ko. Impossible kang magkasya sa ganung opening.

Nalungkot ako nun. Kasi ang ganda na ng posisyon mo. Naka set na yung utak ko na iire ako at normal delivery ang mangyayare. Pero kahit anong push ko sayo pababa para bumuka yung cervix ko, walang nangyare.

By 10pm daw, sisimulan na yung procedure. So simula na ulit ang waiting game.

Habang nagiintay, pumunta sila MamaLa and titas mo kasama si kuya kobei para dalhan ng food si Daddy mo. Nagpunta din si Tita Be and Tita Bheng mo para naman kuhanin yung kotse kasi may checkup kinabukasan si MommyLo and DaddyLo mo.

9:30pm, sinisimulan na iprepare yung operating room. Sinisimulan nadin ako ihanda para sa operation.

Isa pang first to anak. Never ako naoperahan sa buong buhay ko. Pero para sayo, maipapasok ako ng operating room at ooperahan ako sa kauna unahang pagkakataon.

Masyado na palang mahaba to, continue natin sa susunod na blog post.

011 | Mommy’s Maternity Shoot

Hi Anak,

Look mo si Mommy o. Laki mo na dyan sa tummy ni Mommy.

Matagal tagal din namin pinlano ni Daddy mo yan. Noong una, ayaw ko pa sana kasi ang dami kaylangan asikasuhin at hanapin at ayusin. Ayoko kasi sana mastress. Pero si Daddy mo kasi mapilit kasi para mapakita daw namin sya sayo at mabalikan natin yung araw na nasa tyan ka palang ni Mommy

Hanggang sa we end up na magpapicture nalang sa Great Image sa SM Sta. Rosa. Medyo pricey pero maganda parin naman ang kinalabasan.

Nakasama ko din makapagpapicture si Daddy mo. So parang pre-family picture na natin ito 😊

Malapit na anak. Malapit ka na namin makita, mahug at makiss. Sobrang excited na kami ni Daddy mo. Sana excited ka nadin makita kami.

010 | Your 4D Ultrasound

Hi Anak,

So nagpa 4D Ultrasound kami para makita namin sino kamuka mo. And guess what, hahahaha.

Sa SM North EDSA kami nagpa 4D anak. Dinayo pa namin yun para lang makita ka. Pero bago yun, nag pa labs muna si Mommy to check yung sugar level ko. Naawa ako sayo nun kasi naglilikot ka na dahil sa gutom. Need kasi natin mag fasting para sa accurate results sa labs.

Nanghina na si Mommy nun kasi matagal ng walang kain tapos nagpipigil pa sumuka. Buti nalang sinamahan tayo ni Daddy mo. Kundi, baka nahimatay na ko. After namin magpa labs, kumain agad kami sa Jollibee. Thank God nalang din at nakakakain na ulit tayo sa Jollibee. Kasi nung huling ngbreakfast tayo dun, si Daddy mo lahat kumain ng order namin hahahaha.

Before kami maglunch nun, pinuntahan namin yung crib na kukuhanin namin for you para macheck and mapakita kay MamaLa mo. Kapangalan mo nga din yung model ng crib na kinuha namin πŸ™‚ Then for lunch, nirewardan tayo ni Daddy mo ng Samgyup. Bawing bawi tayo sa kain nun anak haha.

Then yun nga, kinabukasan, nag pa 4D na tayo sa BabyBond sa SM North.

Pag dating natin ng Trinoma, kumain si Mommy ng Belgian Waffle na Hazelnut para sana magising ka at maglikot. Nung pag punta namin sa Baby Bond, naasikaso naman kami agad. Kaya lang pag check naman namin sayo, nakatakip yung kamay mo sa muka mo. Kahit anong alog at tawag namin sayo, ayaw mo talaga tanggalin. Parang nasshy kaya. Kaya pinabalik nalang kami. Inom daw muna ako ng malamig at matamis. Kaya napa milk tea tuloy tayo. Ayun, pagbalik namin, buti naman at nagpakita ka na ng face mo. And may pag smile ka pa, good job ang baby namin na yan e.

Nung pinakita namin sa mga titas, Lolas and Lolos mo, happy sila. Ayun nga, kamuka mo daw si Daddy mo kasi parehas daw kayo ng ilong. Pero sana pag labas mo, kahit papano kamuka ka din naman ni Mommy diba? kasi ako nagdala sayo e. 😦

009 | Shopping and Cleaning for your arrival

Hi Anak,

Nagsisimula na kami mamili ng mga gamit mo. Medyo napadami na nga yung damit mo sa dami na ng nacheckout ko sa shopee. Hehe.

Bumili nadin kami ng Daddy mo ng stroller mo para may pang gala na agad tayo hehe. Excited na kami maisakay ka dun anak.

Nakinig maigi si Daddy mo sa demo ni kuya salesman para pag dumating ka na at pwede ka na namin maisakay dun, alam nya pano iaassemble yung stroller mo.

Galing pa sya sa trabaho nyan. Kahit pagod na sya from work, tinandaan nya maigi yung mga diniscuss ni kuya salesman saknya. Gujab si Daddy nak, no?

Then pagka weekend, inuwi na namin yung mga gamit na pinamili namin para sayo. Medyo masikip din kasi sa condo.

Nung nasa Sta. Rosa kami ni Daddy mo, tinuloy nya na yung plano na mag general cleaning sa kwarto na tinutulugan namin. Kasi pag dumating ka na, yun yung gagamitin din nating kwarto.

Habang ako naman, sumama kila MamaLa and PapaLo mo para bumili ng paglalagyan ng damitan mo.

May nabili din naman kaming lalagyan na maganda. Sana magustuhan mo. Ganto yung itsura nya

Kuha yan after mag general cleaning ni Daddy mo. Nakakaawa nga sya kasi sobra syang sinipon dahil sa alikabok ng kwarto namin. Kaya pasalamat talaga tayo sa Daddy mo, nak. Kasi sinigurado nyang malinis yung tutulugan mo pag lumabas ka na 😊

Malapit ka na namin makita anak. Excited na kami. Pero natatakot din ako kasi hindi ko sigurado ano pwede nating pag daananan sa araw ng paglabas mo. Pero nananalig ako at lagi din naman naming pinag ppray ni Daddy mo, na kayanin nating dalwa at wala maging problema.