Full blast on Preparation

End of September and Early October, seryosohan na talaga. Wala ng pahinga twing weekend!

After ng huling akyat namin sa Tagaytay to meet our suppliers, may binigay na sobra yung coordinator ng weddings from Lourdes na kaylangan daw ibigay sa kanya kanyang parishes namin. I actually don’t have an idea kung ano yun. Hanggang sa naipasa na ni Bri yung saknya and it was para sa mga tawag sa kasal. Para pala dun un. Habang ako, hindi ko sya pinrioritize. haha! 1 week ata yung pagitan ng pagpasa namin. Kaya nakuha na ni Bri yung saknya. Yung sakin, pangalawang tawag pa lang hihi.

In fairness, yung unang tawag, sumakto pa sa pagsserve ni angel. Kaya narecord nya yung sarili nya habang binabasa yun. At grabe kung kilig nung narinig ko ng inaanounce sa simabahan yung mga pangalan namin para sa kasal. (sayang di pwede iattach yung video dito huhu)

Nakailang balik nadin kami sa Divisoria. Una, para sa first fitting ng mga bridesmaid ko and ni Mama at Papa. 2nd ay yung para pasukatan naman ng damit si Mommy at Daddy ni Bri.

Nakakatuwang experience kasi nakabonding ko yung mga taong may special na gagampanan sa wedding namin.

Nakakatuwa din na pinagkatiwala samin ni Papa si Fort papuntang divi kasi sobra kami sa sasakyan nila Bri. Due to quarantine restrictions kasi, kaylangan 4 na tao lang sa sedan na sasakyan. E since kaylangan nila ako isama, sobra kami.

Nakakalungkot naman yung part na nung una naming punta ng divi, hinatid na namin sa kamag anak namin yung nirescue kong tuta na si Corona girl. Pero ok na din ako dun kasi alam kong nasa mabuting kamay naman sya.

After divi trips, si Bri naman ang bida. haha! First fitting naman nya ng suit nya. Together with his best man and grooms man. Sinabay nadin namin si Papang para pasukatan ng suit.

Ampogi! hihi.

Natuwa naman ako na bagay din naman saknya yung kulay n gusto nya.

After nila mag fitting, nakipagbonding kami sa best man nya and sa gf nya.

Samgyup then tambay sa Evia hanggang sa magsara. haha.

Ang saya lang kasi nakakausap kami ng ibang tao. Baka kasi nagsasawa nadin si Bri na ako lang lagi kausap e.

One of the best thing din na nangyari this past few days ay yung tinanggap ni Father Allen yung invitation namin na sya ang magkasal samin. Gustong gusto ko kasi kung pano sya mag homily sa mga kinakasal. Halatang pinageeffortan at pinghahandaan nya yung iseermon sa wedding. And guess what, right after nya iconfirm na sya magkakasal namin. Kinabukasan, wedding rehearsal agad! hahahaha. Kasabay ng other couples na ikakasal nya din, nagpractice kami ngflow ng wedding rights. Nastress si Bri sa dami ng kakabisaduhin haha! Mas gusto daw kasi ni Father na kabisado yung vows and all na sasabihin during the ceremony ng kasal para mas heartfelt.

We also have released our RSVP, nagsisimula nadin kami mamigay ng invitations.

Nakakapagod pero masaya. Alam kong mamimiss ko to after ng wedding. huhu.

Andun na tuloy ako sa point na gusto ko na ikasal pero ayoko pa. huehue. Sobrang ganda din kasi talaga ng experience sa wedding planning and preparations kasi matetest talaga yung relationship nyo. Also your decision making as one.

Leave a comment