008 | Your Gender Reveal

Hi Anak,

Alam na nila kung anong gender mo. And, mukang masaya naman silang lahat ❀

Nagset kami ng Daddy mo ng Gender Reveal on Christmas day sa isang restaurant sa Tagaytay. Malapit sa pinagkasalan namin.

Tinulungan kami ng mga tita mo to design the place and it was so beautiful. I wish you could have saw that, pero syempre nasa tummy ka pa ni Mommy kaya sa pictures mo nalang sya makikita hehe.

Iba yung style na ginawa naming Gender Reveal, kasi imbes na kami yung massurprise. Since alam na namin ni Daddy mo kung anong gender mo, sila nalang sinurprise namin.

Mahirap din kasi ang tagal naming sinekreto yun. And there’s your ate Bella na nangungulit na talaga kasi gusto nyo na malaman, gusto nya na daw kasi bumili ng gift for you. Also, may pustahan kasi sila ni Tita Bhe mo and pumusta sya ng 100 pesos na girl ka, whille si Tita Bhe mo, boy ka daw.

Christmas Day came and your gender reveal day, kahit puyat kaming lahat dahil sa party for Christmas eve, bumangon kami ng maaga to prepare and para makaalis kasi baka abutan kami ng traffic paakyat ng Tagaytay.

Thank God, hindi kami naipit sa traffic kasi medyo maaga pa nun.

Sobrang ginaw sa Tagaytay nun nak. Nanginginig na si MommyLa mo pagbaba ng sasakyan.

Habang nag aantay sa food, nagsimula na magdesign ang mga tita mo. Tumulong din si MamaLa at PapaLo mo.

Late na dumating yung food kaya kumain kami agad pagkaserve ng food. Then after namin kumain, its dessert time. Revelation time

Nagpagawa kami ng cakesicles sa friend ni Tita Ley mo, nandun ang sagot kung anong gender mo.

007 | Your first set of clothes

Hi Anak,

Look o, you have your first set of clothes na 😊

Nagbuy kami ni Daddy mo sa baby fair kanina. Happy kami habang namimili. Kahit medyo magastos, para sayo naman kaya ok lang.

Excited na ko masuot mo to anak. Sana kasya sayo to. Sana masulit mo. Sabi kasi ni Daddy mo baka malaking bulas ka kasi ang takaw natin haha πŸ˜…

006 | Muntik na masuntok ni Daddy mo si Doc!

Hi Anak,

Yes, you read it right. Sa sobrang tuwa ni Daddy mo, kinabahan si Doc. Kala daw nya masusuntok sya ni Daddy mo, kaloka!

Kasi now we know your gender, and he liked it very much haha!

Good job ka din anak kasi maganda na yung position mo, ready kna lumabas. Pero wag muna ha, magdevelop muna ikaw ng full body mo dyan. Basta promise mo kay Mommy, pag fully developed ka, ganun ulit dapat position mo para madali lang kita mailabas.

Ayoko sana ikwento sayo ito pero para lang din alam mo yung funny memory ko habang nasa tyan pa kita. After namin malaman yung gender mo, kinagabihan nun, nasugod ang Mommy sa hospital kasi di ako amakahinga. Siguro nagkapanic attack din ako kasi natatakot akong baka may mangyari sayo.

So si Daddy mo, nag mala ambulance driver. Thank God nalang din at nakarating kami ng safe sa hospital. At thankful din ako kasi nasa good hands tayo ni Daddy mo, cos he is a safe driver as always.

Pagdating namin sa hospital, ang tass ng BP ko and ang bilis ng heart rate ko. Pinahiga na nila ako sa OB E.R. then pinagpahinga. Hanggang sa unti unti ng bumabalik yung normal na paghinga ko. in-ECG din nila ako to check my heart baka kasi may problema and kinuhanan ng dugo to check pa ng mabuti, thanks God all results are good. Healthy ang heart ni Mommy and wala din namang nangyareng masama sayo anak. Salamat talaga sa Diyos.

Nung nakahiga kasi ako habang nagpapahinga, natatakot ako na may mangyari sayo. Sinisisi ko na yung sarili ko kasi ang kulit ko. Kaya di ko napipigilang umiyak kasi natatakot nga ako. Lagi ako pinapakalma ni Daddy mo, pati nadin ng mga nurse.

Habang hindi ako makahinga, sige ang likot mo din sa tyan ko na mas nagpaalala sakin. Baka may nararamdaman ka na sa loob dahil hindi nga ako makahinga. Siguro nararamdaman mo din na hindi ako ok, anak.

And it turns out, dahil lang pala sa katakawan ni Mommy mo kaya ako nagkaganun. Nagluto kasi ng masarap na sinigang na hipon si MommyLa mo, and napasarap ang higop ko sa sabaw. Yun pala, bawal sakin yun pag dinner time na.

Yaan mo next time anak, hindi na mag mamatakaw ang Mommy lalo pag dinner na para di na maulit satin yun.

Nagpplano nadin pala kami ng Gender reveal mo anak para sa mga mga grannies, tito & titas & ate. Since alam naman na namin ni Daddy mo yung gender mo, so sila nalang issurprise namin. Paniguradong yung dalwang Lolo mo ay matutuwa. haha!

Kwentuhan kita ulit sa susunod anak. Palagi ka lang dyan maigi ha. Mahal ka namin ni Daddy mo.

005 | Teary eyed ang Daddy

Hi Anak,

Sa wakas, nakita ka na ni Daddy mo. And he was so happy na nag hold back sya ng tears nya habang pinapanuod kang magpakitang gilas habang inuultrasound.

Thank God you are healthy. Sana tuloy tuloy lang ang paglaki mo ng normal and healthy. Gabi gabi naming dasal yan ni Daddy mo anak.

Ngayong 18 weeks ka na, Hindi na ganun kaselan sa pagkain si Mommy. Unti unti na akong nakakakain ng normal. Pero may ilan paring di makain.

Mas halata na din ikaw sa tyan ni Mommy. Tho hindi pa ganun kalaki kasi minsan napagkakamalan parin akong di buntis.

Sige na din ang paglikot mo sa tyan ni Mommy. Ramdam ko bawat unat mo, bawat sipa mo. Minsan nakakagulat pero nakakatuwa na ang likot mo.

Sa sobrang likot mo nga nasabi ni Daddy mo na mana ka daw sa kanya kasi ang ligalig mo daw sa tyan ni Mommy. hehe. Excitec na si Daddy mo na makabonding ka anak. Araw araw ka nya kinakausap. Sana naririnig mo sya. Sana kilala mo na yung boses nya.

Lagi din pala kita pinatutugtugan nung kantang laging kinakanta samin dati ni MamaLa mo, yung Someone’s Waiting For You. Sana nagugustuhan mo yun anak. Para sayo yung kantang yun.

We’re almost half way through anak. Palaki ka lang maigi. Si Mommy at Daddy na ang bahala sayo.

004 | Ang kwento ng Bangus

Hi Anak,

Nalaki ka na sa tyan ni Mommy, mas nagiging halata na yung baby bump ko. Good job to us, patuloy ka lang magpalaki ha. Patuloy lang din kitang aalagaan at bubusugin kahit medyo nagagalit na si Daddy mo kasi ang dami ko pinapabili at nauubos na yung allowance nya. hehe

Ayun na nga, may kwento kami sayo tungkol sa Bangus. haha!

Nagsimula yun noong last weekday bago kami umuwi sa mga Lolo, Lola at mga Titas mo. Si MommyLa mo, nagtanong kay Daddy mo kung anong gusto nating ulam. Kasi maselan nga si Mommy mo ngayon and hindi makakain ng kahit ano. So sabi ko, inihaw na bangus.

Dumating na yung weekend, nagiba yung plano. Imbes na sa GMA kami uuwi, sa Sta. Rosa kami napauwi. Then habang nag ddinner, namention namin sa MamaLa mo na nagrequest nga tayo ng inihaw ng Bangus. At bilang competitive si MamaLa mo, kinabukasan, bumili sya ng pangihaw na isda. And guess what, may Bangus.

At dahil dun, naging masarap ang ating Lunch.

Kinahapunan, sinundo na tayo ni Daddy mo papuntang GMA.

Pagkauwi, may nakita akong sobrang laking bangus. Yung parang pang pyesta. Tas naisip ko “naku, patay, kakakain ko lang nito. Baka hindi na ko makakain ulit ng bangus”

Pero dahil pinaghirapan ni Daddy mo na ihawin yun at nageffort pa si DaddyLo mo na bumili nun sa Magra, tinry ko parin kainin kasi ayoko naman masayang yung effort nila. Pero nireject mo na anak 😦

Nagsorry ako kay Daddy mo kasi nasusuya na talaga ako kasi kakakain ko lang nun nung tanghalian.

Pero alam mo ang nakakatuwa dun anak, sabi nga ng Daddy mo, love na love ka nila. Love nila tayo. Kasi pinagbibigyan nila tayo sa kung anong gusto natin kainin. ❀

At yun ang kwento ng Bangus. haha!

003 | Parang ayaw mo na pakainin si Mommy

Hi Anak,

Alam mo bang ang selan ko na. Samantalang hindi ako mapili sa pagkain noon. Tho medyo maarte nadin talaga ako sa mga naamoy ko pero mas lumala ngayon hahaha.

Pero ok lang. Kasi sabi nila, pag naduduwal ako, ibig sabihin tuloy tuloy parin ang paglaki mo sa tyan ni Mommy. Kaya titiisin ko nalang muna to anak, ang importante, lumaking kang healthy and normal sa tyan ni Mommy.

Laking pasalamat ko nalang sa Daddy mo kasi mahal nya tayong dalawa. Kahit pagod na sya sa work, sya na yung nagluluto at nag aasikaso satin kasi hindi talaga kaya magluto ni Mommy ngayon.

Ayaw ko kasi ng amoy ng ginigisang bawang at sibuyas. Pati yung sinasangkutsang baboy.

E madalas dun nagsisimula yung mga ulam na niluluto namin. So dahil di ko na kinakaya yung amoy dahil duwal na ko ng duwal, nag ttake over na si Daddy mo para may makain kami.

Minsan nga lang, pag nahain nya na, hindi ko din makain kasi wala na kong gana. Buti nalang, pinaghahanda nya tayo ng salad. Para lang makakain si Mommy.

Napakaswerte natin sa Daddy mo baby. Kasi inaalagaan nya tayo maigi. Hindi nya tayo pinapabayaan.

Lagi nga lang may sermon si Mommy kasi pasaway. Hehe. Pero ok lang, it only shows na he cares for us and he really love us.

Lagi ka nga nya kinakausap. Kahit di namin sure kung naririnig mo. Hinahanap nya din yung tunog ng heartbeat mo sa tummy ni Mommy. Pero di nya sure kung yung sayo na ba talaga yung naririning nya. O yung tyan ni Mommy yun hehe.

Pagpatuloy mo lang yung paglaki sa tyan ko anak ha. Mahal na mahal ka namin ni Daddy mo. Excited na kami makita ka ulit kasi sabi naggrow na daw yung arms and legs mo. From embryo, magiging fetus ka na daw. 😍

002 | Excited na sila sayo anak πŸ˜Š

Hi Anak,

Alam na ng mga Lolos, Lolas, Titas, Titos and cousin na parating ka na. At excited na sila lahat na makita ka.

Sobrang excited na kaming lahat na makita ka anak ❀️

Kakapacheckup lang natin today, and gujab ka kasi healthy ang heartbeat mo. Don’t worry, gagawin ni Mommy ang best nya para mapanatili kang healthy. At lagi kang pinag ppray ng Daddy mo na manataling kang healthy hanggang sa paglabas mo.

Btw, yes, Mommy na daw gusto ng Daddy mo na tawag mo sakin. Agaw trip. Pero dahil Daddy mo sya, pag bigyan natin, hmp.

Hanggang ngayon, sobrang sensitive ng pang amoy ni Mommy at panglasa. Naawa nga ako kay Daddy mo kasi hindi man lang ako makakain nung pinaghirapan nyang lumpia. Kahit habang niluluto palang, sukang suka na ako.

Ayoko din ng kahit anong sinasangkutsa. Ang baho ng amoy.

Pati yung Takoyaki na nakikipag agawan ako dati, ayun di ko narin makain kasi amoy palang ayoko na.

Pero kahit ang dami ko ng hindi makain sa ngayon, kung para sayo naman anak. Titiisin ni Mommy kasi ganyan kita kalove.

Happy din ako kasi ramdam ko yung love ni Daddy mo habang may ganto akong pinagdadaanan. Ginagawa nya lahat para iassist ako at para gawin tayong kumportable.

Tulad ng regalo nya sakin nung bday ko. Hindi nalang para sakin yung regalo nya, para satin na anak. Isang malaking unan kasi yung regalo ni Daddy mo na makakatulong kay Mommy na makatulong ng maayos habang nasa tyan pa kita.

Antok na ko nak, nag kick in na yung pre natal vitamins na ininom ko. Kwentuhan ulit kita next time. 😘

001|Hi Anak…

Hi Anak,

Dati iniimagine ko palang tong araw na to. Yung magsusulat ako ng post para sa mga araw na unti unti kang lumalaki sa sinapupunan ko πŸ₯Ί

Hanggang sa ito na, kikwentuhan na kita ng mga nangyayari sakin, sating dalawa at samin ng Daddy mo.

July 22, 2022, sumakit ng matindi yung puson ko. Kala ko magkakaron na ko. Kasi yun na yung week na dapat dadatnan na ko. So kala ko yun yung reason kung bakit sumakit ng ganun yung puson ko.

Kinabukasan, July 23, 2022, pagka gising ko. Bigla akong nagka urge na mag pregnancy test na to check ko nandyan ka na nga. So pinigil ko yung unang ihi ko sa umaga. Kasi sabi nila, yun yung magbibigay ng accurate result. Then..

Ginulat mo ko. Andyan ka na nga. Sobrang mixed emotions. Pero nangingibabaw yung saya kasi parating ka na sa amin ni Daddy mo ☺️

Kaya pala nung nag pa APE si Nanay, nag dalwang isip ako mag pa xray. Yun pala kasi, pinipigilan mo na ko nun kasi baka anong mangyari sayo.

Pagkauwi ni Daddy mo, hindi ko agad sinabi kasi may kaylangan muna kami asikasuhin. Kaya tinapos muna namin yun. Noong makauwi kami, doon ko na sinabi saknya…

Sabi nya, nararamdaman na daw nya kasi grabe na ang toyo ng Nanay. Hahaha. Kawawa din si Daddy mo sakin nak. Hindi ko kasi bigla macontrol yung emotions ko. Kasi pala andyan ka na.

Agad naman kaming pumunta sa hospital para magpa check up. Binigyan ako ng doctor ng vitamins na makakatulong daw sa development ng brain mo.

Sabi nya, balik daw kami after two weeks para marinig na namin yung heartbeat mo.

Nung ika Linggo nang malaman namin na parating ka na, namili na kami ng damit para hindi ka masikipan sa mga isusuot na damit ng Nanay.

Pag tapos mamili, nagsimba kami ni Daddy mo at pinagdasal ka namin. Na sana maging healthy ka, maging healthy tayo parehas. At palagi tayong gabayan ni Lord habang nagdidevelop ka pa sa womb ng Nanay.

Last week ng July, ang lala na ng symptoms na nararamdaman ko Nak. Alam mo bang kahit pancit canton na hilig ko kainin dati, nirireject na ng katawan ko.

Ayaw na ayaw ko din kumain ng taba ng baboy o kahit makita ko lang si Daddy mo na kumakain ng taba. Nasusuka na ko.

Ang sensitive na din ng amoy ko. At isa sa hinahanap ng pang amoy ko ay yung pabango ni Daddy mo na laging sold out. Kaya nung may nahanap na kami, bumili na talaga kami ng madami para di na sya maubusan.

Bukas, July 30, iccheck ka na anak sa womb ni Nanay. Iccheck ng doctor kung kamusta ka, kung nasa tamang pwesto ba yung development mo.

Sana maganda maging resulta ng check up natin bukas nak, para wala tayong maging problema.

Married Life Update…

It’s been a while since I last blogged. Ngayon nalang sinipag.

Naisip ko din na dapat madalas ako magupdate kasi ang sarap lang basahin nung mga previous blogs. Also, for me na ang mahina ang short term memory. Medyo mahirap mag back track ng mga kwento.

At dahil kasal na kami, ipapasok na to sa bagong Tag or Hashtag, which is #BuhayMagAsawa

Hahahaha. Akalain mo yun, 6 months na kaming kasal. Ang bilis! Parang yung huling blog ko lang dito ay about sa wedding preps namin which is stressful pero napaka memorable. Totoo pala yung sinasabi nila na sulitin daw dapat yung stress na yun kasi yun yung pinakamamimiss mo. Nakakapagod mag prepare pero ang sarap ikasal! Kung pwede lang ulit ulitin. Hayyy.

At dahil nga matagal tagal nadin ako nakapagupdate, isummarize ko nalang:

  • We had our honeymoon at Boracay for 6 days and 5 nights. Hindi namin masyado naenjoy kasi meron ako hahahahaha!
  • Nag move in kami sa Condo para makabukod
  • Magkahiwalay kaming nag celebrate ng 1st Christmas pero bumawi naman kami nung New Year
  • Tinamaan ako ng COVID. Magkasama kami nagquarantine for 10 days
  • We started looking for a house we can call home and we found it sa Carmona
  • Nagprocess ng mga legal documents. Nagpalit ng Civil Status, and for me, nag padagdag ng Surname

Yan palang for now. Dagdagan ko nalang pag may naalala ako haha!

Medyo matagal din kaming nakaadjust sa married life. Pero unti unti na kaming nasasanay.

Kada sweldo, binibigay na agad ni Bri yung sweldo nya para may pang Shopee ako. Char. Asa naman. E daig pa ng asawa ko yung taga Commision on Audit pag nagtatanong kung san napupunta yung pera namin e. So I learned to be wiser sa mga decision ko sa finance namin. Pero syempre hindi parin maiiwasan yung mapa checkout ako hehehehe. Pero para samin naman yun e. Hmp!

Sa chores naman, may rule kami na kung sino nagluto, yung isa ang maghuhugas. And natutuwa naman ako na kahit hindi marunong maglinis si Bri ng CR dati, inaaral nya talaga. Ngayon, sya na madalas maglinis ng CR namin. Sa pag maintain naman ng kalinisan, ako naman ang toka since mas madalas ako dito kasi WFH ako.

Twing weekend naman, umuuwi kami either sa Laguna or sa Cavite. Madalas, tig isang araw para walang makalamang. Pero ngayon, tinatry namin na magstay muna dito kahit weekend para makatipid at makapagpahinga.

Hmm, ano pa ba? Baby? wala pa as of now. Praying palang din kami. Actually ang initial plan, next year pa sana. After ng anniversary namin. Pero pano naman kasi, kada may makikita kaming matagal na naming di nakita, tatanungin kami, “meron na ba?”. Pero hindi pa naman kami ganun nappressure. Kung dadating na sya samin, it’s God’s will so let it be done.

Full blast on Preparation

End of September and Early October, seryosohan na talaga. Wala ng pahinga twing weekend!

After ng huling akyat namin sa Tagaytay to meet our suppliers, may binigay na sobra yung coordinator ng weddings from Lourdes na kaylangan daw ibigay sa kanya kanyang parishes namin. I actually don’t have an idea kung ano yun. Hanggang sa naipasa na ni Bri yung saknya and it was para sa mga tawag sa kasal. Para pala dun un. Habang ako, hindi ko sya pinrioritize. haha! 1 week ata yung pagitan ng pagpasa namin. Kaya nakuha na ni Bri yung saknya. Yung sakin, pangalawang tawag pa lang hihi.

In fairness, yung unang tawag, sumakto pa sa pagsserve ni angel. Kaya narecord nya yung sarili nya habang binabasa yun. At grabe kung kilig nung narinig ko ng inaanounce sa simabahan yung mga pangalan namin para sa kasal. (sayang di pwede iattach yung video dito huhu)

Nakailang balik nadin kami sa Divisoria. Una, para sa first fitting ng mga bridesmaid ko and ni Mama at Papa. 2nd ay yung para pasukatan naman ng damit si Mommy at Daddy ni Bri.

Nakakatuwang experience kasi nakabonding ko yung mga taong may special na gagampanan sa wedding namin.

Nakakatuwa din na pinagkatiwala samin ni Papa si Fort papuntang divi kasi sobra kami sa sasakyan nila Bri. Due to quarantine restrictions kasi, kaylangan 4 na tao lang sa sedan na sasakyan. E since kaylangan nila ako isama, sobra kami.

Nakakalungkot naman yung part na nung una naming punta ng divi, hinatid na namin sa kamag anak namin yung nirescue kong tuta na si Corona girl. Pero ok na din ako dun kasi alam kong nasa mabuting kamay naman sya.

After divi trips, si Bri naman ang bida. haha! First fitting naman nya ng suit nya. Together with his best man and grooms man. Sinabay nadin namin si Papang para pasukatan ng suit.

Ampogi! hihi.

Natuwa naman ako na bagay din naman saknya yung kulay n gusto nya.

After nila mag fitting, nakipagbonding kami sa best man nya and sa gf nya.

Samgyup then tambay sa Evia hanggang sa magsara. haha.

Ang saya lang kasi nakakausap kami ng ibang tao. Baka kasi nagsasawa nadin si Bri na ako lang lagi kausap e.

One of the best thing din na nangyari this past few days ay yung tinanggap ni Father Allen yung invitation namin na sya ang magkasal samin. Gustong gusto ko kasi kung pano sya mag homily sa mga kinakasal. Halatang pinageeffortan at pinghahandaan nya yung iseermon sa wedding. And guess what, right after nya iconfirm na sya magkakasal namin. Kinabukasan, wedding rehearsal agad! hahahaha. Kasabay ng other couples na ikakasal nya din, nagpractice kami ngflow ng wedding rights. Nastress si Bri sa dami ng kakabisaduhin haha! Mas gusto daw kasi ni Father na kabisado yung vows and all na sasabihin during the ceremony ng kasal para mas heartfelt.

We also have released our RSVP, nagsisimula nadin kami mamigay ng invitations.

Nakakapagod pero masaya. Alam kong mamimiss ko to after ng wedding. huhu.

Andun na tuloy ako sa point na gusto ko na ikasal pero ayoko pa. huehue. Sobrang ganda din kasi talaga ng experience sa wedding planning and preparations kasi matetest talaga yung relationship nyo. Also your decision making as one.