Akalain mong sa pamamagitan ng dalawa mong paa, kaya mo marating ang mga well known places ng Manila? Yes, walking distance lang ang Quiapo pa-China Town at China Town pa-Divisoria. (yun ay kung masipag ka maglakad at hindi ka mareklamo sa mga posibleng daanan na lugar na may masangsang na amoy at masikip, dahil sa dami ng tao)
Pero kung isa kang burgis na hindi pwedeng pawisan at ayaw sa masikip, mabaho at matao, pwede kang sumakay ng jeep/tricycle around the area.
Ito nga pala yung itinerary namin…
- 0800 AM Departure from Shaw Blvd to Quiapo – Php 21.00 fare/person sa Jeep
- meron ding dumadaang UV Express along Shaw Blvd. Pero mas pinili naming magjeep para mas mura at sulit ang paglanghap namin ng polusyon mula Mandaluyong hanggang Manila
- 0930 AM Arrival at Quiapo
- Breakfast muna sa Jollibee
- Stopover sa Quiapo Church
One of our main agenda kaya kami dumaan sa Quiapo ay para tumingin ng frame. Napagalaman ko kasing mura ang mga frame dito.
Given the fact na pareho kaming nakasalamin. nagsuggest ako na magcouple frame kami, wahihi. pero sa kinasamaang palad, hindi natuloy kasi wala kaming napiling frame at muntik pang mapaaway.
Bakit? BABALA nadin sa lahat na kung may plano kayong bumili ng frame sa Quiapo at gusto nyong ipalipat yung lens ng salamin nyo sa bagong frame, wag na wag nyong ipapahawak sa mga sales rep. nila yung salamin nyo kasi (based nadin sa experience namin) once na nahawakan nila yung salamin nyo, walang paalam nilang iaangat yung lens sa frame kahit di ka pa naman nakakapamili ng frame o sigurado ka ng saknila ka bibili. Maybe, marketing strategy nila yun para mapwersa kang kumuha saknila kasi sira na yung salamin mo o SOP nila yun?????
Saan nga ba yung mga Optical Shops sa Quiapo? pag nakaharap ka sa Quiapo Church, lakad ka pa-kanan. Pag may nakita kang mga shop na nagbebenta ng mga Camera o Camera accesories, nasa tamang landas ka. Tumbok nun ay yung outlet store ng SM. Pag nakarating ka na dun, tahakin mo yung daan sa kanan. Deredrechohin mo lang, makakakita ka na ng mga Optical Shops/Clinics.
Php 450-499 ang offer nila para sa Computerized Eye Checkup and basic lense, bale iba pa yung presyo sa mga multi coated at iba pang klaseng lense. Ang price range naman para sa mga frame starts from Php 300 pataas. Madaming mapagpipilian dahil sa iba’t ibang klase na inooffer nila na pwede pasok sa preference mo.
Habang naglalakad along Quiapo, nakita na namin ang arko ng China Town. Ganto yung naging route namin so far…

Sa China Town, ang bubungad sayong shops ay mga nagbebenta ng mga nagkikintabang gold jewelries. Yung tipong para kang umuwi galing Saudi pag nag hoard/nag shopping ka dito.
Share ko lang din, nung sinabi kong nasa China Town kami sa aking Ina, tinanong nya kung natingin na ba daw kami ng wedding ring. And i was like ?????. Yun pala naman kasi, sa lugar na iyon sila bumili ng wedding ring ni Papa.
But our main agenda here was magfoodtrip and picture-an yung place na yun.
Sakto din naman yung dating namin kasi malapit na mag Chinese New Year. Kaya we can feel the feels (ano daw???) ng mga Chinese. Nagkalat yung mga pangdecorate nila na hitik sa pagkapula.
Dahil first time namin parehas (at nakalimutan ko yung Binondo Food Trip Map na binigay sakin ng kasamahan ko) hindi namin nakita yung mga famous na kainan sa lugar na iyon. Except sa isang gusto ko din talaga puntahan, ang Lord Stow’s Bakery.
Saan nga ba located ang Lord Stow’s Bakery? matatagpuan sya sa tabi ng Eng Bee Tin store na malapit sa Manila Chinatown Arch. For Php 45.00 pesos per piece, makakatikim ka na ng pinagmamalaki nilang Egg Tart.
After namin magmeryenda ng Egg Tart, mamili ng Tikoy at Hopia, at makapagpapicture kay ate girl

Nagpatuloy na kami sa walktrip namin…
Dahil di nga namin kabisado yung lugar kung nasaan kami, napakalaking tulong ng pagtatanong. At doon namin nalaman na half kilometer away nalang pala ang kaylangan lakarin para makarating ng Divisoria mula China Town. Pero may choice parin namang sumakay ng e-tricycle kung hindi ka sinisipag maglakad.
Dahil first time nya dito, bago kami mapadpad sa last destination namin, tinanong ko muna sya kung nakaexperience na ba sya ng matataong lugar. Sabi naman nya, oo daw dahil nakapunta nadin naman sya ng Baclaran at paminsanang pagiging crowded ng Alabang. Dahil dun, nagkaron ako ng kumpyansang, kakayanin nya magswimming sa dagat ng tao. Sakto pa man din at Sunday noon.
Dinala ko sya sa School Supplies Area, sa 168 at sa Tutuban. Nakapamili din naman kami ng iba’t ibang kaylangan at gusto naming bilihin.
Pauwi, sumakay kami ng PNR papuntang Alabang. Php 30.00 per person ang pamasahe at ang byahe ay tumagal ng isang oras.
At dahil first time nya din sumakay ng PNR, nagselfie kami…


Yes, ganyan po kaalog sa PNR. Pero we were able to capture a couple of photos.
In summary, total damage was…
- Fare to Quiapo from Shaw Blvd via Jeepney – Php 21.00 per person
- Breakfast, Meryenda, and others (di ko na matandaan presyo ng bawat isa)
- Fare to Alabang from PNR Tutuban Station – Php 30.00 per person