Rizal | Nagpatong Rock Formation & Tungtong Falls

Our first adventure trip as a couple. (yie, landi)

Dahil finally, we will be able to go on an adventure together after the longest time of waiting. We chose Nagpatong Rock Formation @ Tanay, Rizal. One of the trending place when it comes to nature tripping. Pwedeng pwede sya sa beginner hiker kasi hindi naman ganun kachallenging yung trail. Tamang paahon lang para makarating sa rock formation. (yup, mapapansin sa terms ko na beginner lang ako)

Pwede syang DIY trip pero we chose na mag-joiner nalang dahil pareho kaming kuripot but we want adventure. Php 850.00 pesos yung cost ng tour which includes the following:

  • Driver & Van Rental
  • Environmental Fee
  • Tour Guide
  • Nagpatong Rock Formation
  • Tungtong Falls
  • Kawa Hot Bath

At first, we’re kinda disappointed kasi hindi pala kasama sa itinerary yung Mt. Masungki. Hindi parin pala kasi namin magagawang maghike together kasi hindi naman talaga official hike cos there’s no mountain to climb up to. Pero nung nasa trail na kami papuntang Nagpatong Rock Formation, naisip namin, di naman sayang yung pera kasi ibang experience parin naman to. And once you’ve reached the top of the rock formation, we thought it was worth it after all.

Watch: BS Advetures | Nagpatong Rock Formation & Tungtong Falls Experience

Matapos ang mapanginig laman na pagakyat sa tuktok ng Nagpatong Rock Formation, nagbacktrail kami para makabalik sa jump off.

Sumakay ng van pabalik sa baranggay ng Cuyambao, naglakad ng mahigit kumulang 2 kilometro para marating ang susunod na destinasyon, ang Tungtong Falls.

Habang naglalakad, nagkaron kami ng pagkakataon na makipagkwentuhan sa aming tour guide. Ang pangunahing produkto daw nila roon ay buho o kawayan. Na tunay namang sagana sila, kapansinpansin sa trail paakyat ng Nagpatong Rock, nakapalibot ang mga ito. Pinapadala ang mga iyon sa iba’t ibang parte ng Manila at Cavite.

Noon daw, talamak ang kaingin sa kanilang lugar. Pero simula nung pinatigil na ito ng DENR at ng may nakulong na dahil sa gawaing iyon, tuluyan ng natigil ang pagkakaingin saknila. Laking pasalamat nalang din sila, simula noong nagkaroon na ng opportunity maging tour guide sa kanilang lugar. Nagkaroon parin sila ng pagkakakitaan at siguradong legal.

(Shot by Oppo F5; No filter [can’t help but commend the quality of this shot for a mid range value android phone])

Matapos ang pagtampisaw sa malamig na tubig ng Tungtong  Falls. Kaylangan mag rappelling para makabalik sa baranggay. Another makanginig laman experience. Hindi ko na naitanong kung gaano kataas. Basta ang alam ko, nakakalula. Buwis buhay. Pagkapit ng mahigpit sa lubid, matibay na tuhod at lakas ang loob ang puhunan para maiangat ang sarili pataas.

With all that said and as the pictures shown, let me list to you the things you need if you want to experience the same adventure we did:

  • Proper Hiking Attire
  • Sleeves
  • Gloves
  • Cap/Visor
  • Non slip sandals/rubber shoes
  • Sun screen
  • Tons of water
  • Energy drink
  • Chocolates/Jelly ace
  • Chips
  • Water resistant bag
  • Ziplock for devices

Less than a thousand peso worth of tour and it’s all worth it. Sulit na sulit yung pagod, pawis, hingal, sakit ng katawan, kaba, at lula.

Totoo nga na isang way para mas makilala nyo ang isa’t isa ay ang pagtatravel. Doon mo kasi makikita kung hanggang saan yung endurance nyo at kung anong attitude nyong dalawa on how to handle all the circumstances na maeexperience nyo throughout the adventure.