Which means, same day next year panigurado hindi na ko nakakatulog sa kaba at excitement or super stressed na ko sa mga last minute na kakulangan and what not.
Actually, ngayon palang nasstress na ako kasi hindi ko alam if ibblog ko nalang ba yung wedding preperations experiences namin or magpaka trying hard to vlog everything. Basta ang main goal, I want this all to be documented para may babalikan kaming mga kwento pagdating ng panahon. And even our future kids will know gaano kalupit magplano yung parents nila sa naging kasal nila.
Yesterday, I started looking for a camera vlog setup. However, yung available na mirrorless camera ay walang slot for external mic. Which means, if ever mag vlog man kami. Maingay. Maririnig yung hangin and mga unecessary noise. While my phone naman doesn’t have a jack for external mic as well.
So medyo nadidiscourage na din ako mag vlog. And it will take time and skills to edit the videos pa. Whereas pag blog naman, I can type and make kwento pero kasi once in a blue moon lang ako ginaganahan magkwento and madalas pa, nakakalimot ako ng details which can be captured via video.
Partida, hindi pa nagsisimula yung wedding preps pero may kinakastressan na ko haha! anuna.
But I guess, its more leaning unto blogging. I’ll just buy a journal or a notebook to jot down notes to add on this blog. Which actually I think is more practical since mas mura yun kaysa sa devices and equipments we need for vlogging.
I just hope and pray that God bless me with enough sipag para makapagblog regularly every preps and every tasks we will accomplish on the upcoming days.
A week after Bri proposed to me, nag aya na agad ako maghanap ng church and venue since ang tagert date namin ay December 2021. Which was agreed before he proposed to me para makauwi yung mga ate nya from Canada. Our target date talaga ay May 4, 2021 which will be our 3rd year anniversary. However, dahil kasal ito ng unico hijo nila kaya kaylangan present lahat ng ate nya. I’m really looking forward sa 4 sisters and a wedding peg namin haha!
Hindi ko nadin gaano maalala why we end up deciding that our wedding venue will be in Tagaytay. Though it was actually my plan way back our 1st monthsary, noong napadaan kami sa Lourdes Tagaytay, sabi ko kay Bri, doon ko gusto ikasal. Kinabahan ako noon kasi baka isipin nya ang assuming ko kasi 1st month palang namin pero kasal na agad nabanggit ko. Pero after magpropose ni Bri, kinonsider din namin yung churches from Carmona, San Pedro, Binan and Cabuyao which is mas malapit samin.
Days after nya magpropose, I have searched for churches and contacted them. Due to strict quarantine measure dahil July was a peak month for COVID, yung iba walang makontak na tao sa offices to accomodate my inquiry. Some venues naman require an appointment before ka makapagoccular visit kasi they limit guests na pinapapunta nila sa venue.
We have multiple choices. To make it organized and macompare namin lahat maigi, i created an excel sheet
On the day we have set as occular visit on churches and venues, our first stop was, Divine Mercy Parish Church. Isolated yung simbahan and ang lawak. Peaceful sya. Mahaba and isle at maganda ang altar. Sabi ko kay Bri, mukang unang simbahan palang mapapa-oo na ko. So we inquired. Available slots ay 8am and 11am na schedule for wedding. Then we asked how much yung wedding package and reservation and if available pa yung date namin. Yes available pa naman daw. So the impulsive me want to reserve our date na pero ayaw magpadalos dalos ni Bri since unang church palang naman iyon na napupuntahan namin. So sabi nya, magoccular daw muna kami sa ibang church then if ever wala kami mapili, babalik kami doon to reserve na din.
We’re off to our next stop. Habang nasa byahe, napagusapan namin yung sa Divine Mercy Parish. 8am schedule of a wedding is way too early. Most likely 3 am, kaylangan start na ng preps. Kasi ang pagkakalam namin you need to allot 5 hours for the preps and photoshoots. While, 11 am naman a medyo tagilid din. Since alam ni Bri na nagiging monster ako pag gutom na. And if 11 am yung kasal, most probably most of our guests ay magugutom nun. For sure, hindi lang ako magiging Bridezilla that time. And mukang mahihirapan nadin ngumiti yung entourage dahil tirik ang araw sa oras na yun at dahil nadin sa gutom. Therefore, ekis na and Divine Mercy Church. Sayang 😦
Next stop, Chapel on the hill. Ito yung isa sa mga gustong church ni Bri na medyo hindi ko bet kasi maiksi yung isle pero maganda naman yung altar. So naginquire kami. Ang Chapel on the hill pala pag pinareserve mo, iba yung bayad sa venue and iba yung bayad sa parish nag mag ooficiate ng kasal. And medyo madami ding restrictions. not sure if due to COVID or dahil yun na talaga ang protocol nila.
After naming maginquire sa office, pinuntahan namin yung chapel and enjoyed the view of Batulao. Relaxing pero not enough to make me say yes. Plus factor pa yung layo nya.
Noong bumalik na kami sa sasakyan, I saw a teenager na nagtitinda ng pechay at puting mais. Bumili ako since alam kong mahilig si mama sa puting mais. Good thing din pala kasi nagbebenta sya para pambili ng kapatid nyang may hika. So I bought as much as I could para makatulong din sa panggastos nila.
Before we went to our next location, nag stop over muna kami para bumili ng beef.
Then we went to Alfonso, Tagaytay para tignan ang San Juan Nepomuceno Church. Na habang nasa byahe ay medyo pinagsisihan namin kasi napakalayo pala nito sa kabihasnan. Nasa gitna talaga sya ng Alfonso. So kung malayo na ang Chapel on the hill, malayo rin ito. Tho hindi ko alam kung sino mas malayo
Pag dating namin dito, hindi kami agad pumunta sa office kasi lunch time. So naglunch nalang din muna kami sa malapit na Minute Burger. Kumain sa loob ng sasakyan para magpalipas ng oras.
Hindi kami nakapasok sa loob ng simbahan kasi sarado. Kaya hindi namin naapreciate ng maigi yung altar at yung isle. Yung sa picture, dun lang kinuhaan ni Bri sa siwang ng gate.
Mura yung wedding rate nila pero napakalayo kasi talaga. So ekis nadin tong church na ito.
Off to our next location which is Casa Grande na malapit na sa Sta. Rosa-Tagaytay road. Noong tinutuntun namin yung papunta dun, nagdalwang isip kami kung tutuloy kami kasi hindi sementado yung daan. Buti nalang din at hindi umulan kasi malaki possibility na mabalahaw yung sasakyan.
I actually almost said yes to this place kahit chapel lang yung magiging pagkakasalan namin. Kasi all in one. May reception venue na, may chapel, may room accommodations and may pool. Plus mura pa yung mga rates ng packages nila. Ang downside lang is yung road papunta sa place na to kasi kaylangan, may sasakyan talaga mga bisita. Kundi, maglalakad sila sa rough road.
Last stop, na hindi rin namin inaasahang aabutan pa namin ay ang Don Bosco Parish Church. Good place to wed naman kasi talaga sya. Mahaba ang isle and maganda ang altar. Enough din yung parking space sa mga bisita. Ang mahirap nga lang hanapin ay yung mga reception venues na malapit lang saknya na affordable. Kasi knowing Nuvali area. Pang mga burgis yun. So baka buong budget namin, sa venue and catering lang mapunta.
To end the day, we had our ramen at Bri’s favorite place to have ramen. Ramen Nagi. Reward nadin saknya kasi yung navigator nya na may hawak ng maps, which is me, litong lito sa kanan at kaliwa. Kaya nahihirapan sya sa mga likong ginagawa namin. Luckily hindi kami naligaw. Nastress nga lang sya hehe