87/100: Meeting with the Suppliers

May be an image of 1 person and text that says 'SANTOS' CATERING December 2021 Wedding BRIAN BRIAN&AUBREY & AUBREY LA MARIPOSA TAGAYTAY EVENTS . PLACE'

This is it pancit! Dati iniimagine lang namin yung mapost yung pictures namin sa page nila. Ngayon meron na kami ❤

Doon nag sink in sakin na malapit na talaga. Share ko lang yung nangyare sa araw na to…

Sunday namin inischedule yung food tasting kasi iyon ang unang araw ng off ni Bri. Nung pinaschedule namin ito, nagworry ako baka kasi may event kasi weekend. But a day before, nakita ko na may nilabas na memorandum yung LGU ng Tagaytay na prohibited ang wedding receptions due to MECQ and nagsspike din talaga ang COVID cases sa bwan na to na halos umaabot na ng 25-30k new cases per day. (Salamat sa lahat Delta variant)

Came Sunday, nung umaga magkausap na kami ni Bri. Pinapapaalalahanan ko sya na umalis ng maaga kasi malayo layo ang byahe. Plano din kasi naming pumunta muna ng Lourdes para magpasa ng pictures na kaylangan sa documents namin. Usapan namin 12pm nandito na sya sa bahay, kasi 1:30 ang schedule namin sa meeting with the suppliers.

Ayun, 12:40pm na sya nakarating dito sa bahay (-_-) bakit? kasi inunahan daw sya ni Daddy maligo. haha! partida dalawa CR nila sa bahay. talaga namaaan.

Pagdating pa nya saamin, biglang buhos ng napakalakas na ulan.

Habang nasa byahe kami, nag advice na ako sa suppliers namin na late kami makakarating. Nagpustahan pa kami ni Bri kung kaya nya makarating kami dun ng 2pm. Ayun, sa kinamalas malasan, traffic sa sta. rosa – tagaytay road.

Hanggang sa 2:30 na kami nakarating sa reception venue namin.

Unang agenda ay food tasting. Sulit din na hindi ako masyado kumain nung lunch, haha! masarap naman yung food. medyo nabitin lang ako sa choices na prinovide nila. Yung common ulam lang kasi yung naihanda nila for food tasting which is yung best seller nila. Gusto ko kasi sana medyo unique. Para maiba naman and kahit papano memorable sa mga guests. Kasi isa yun sa pinaka matatandaan ng mga guests. Pero wala akong no choice kaya namili nalang kami sa kung anong available.

After food tasting, nakausap naman namin yung florist. And nakakatuwa kasi madali kausap. Medyo nakahirit pa ng tawad. Hindi ko nga lang maachieve yung tulips sa boquet ko pero ok lang naman kasi nabigyan na ko ni Bri nung valentines. Sana sa next valentines din. hahahaha! Cascade boquet yung pinagawa ko kasi ganun din yung style nung kay mama nung kinasal sila ni papa. Saknaya noon ay yellow, sakin naman ay orange. hihi. Then we opt to have an upgraded flowers to achieve our rustic theme. Kasalukuyan parina kong naghahanap ng mga final designs for reference ng florist namin

No description available.

Lastly, Lights and sounds. Pagkaupon pagkaupo palang ni sir, sabi ko na agad LED wall. Kasi gustong gusto ko talaga na may led wall sa wedding namin. Ilang beses nadin kasi ako nakaattend ng events na projector lang ng gamit so hindi makita yung pictures and kung ano mang finaflash sa screen. sayang. Sadly, di pa ganun kaapprove si Bri sa LED wall kasi medyo pricey din kasi.

After nun, nakipagkwentuhan kami dun sa parang manager ng events place.

Then, nagadvice kami sa kausap namin sa Lourdes na pupunta kami para magpasa ng picture pero sarado pala yung church. So pinuntahan nalang namin sya sa apartment na tinutuluyan nya. Pagkapasa namin nung picture, may binigay din sya saming sobre na dapat naming ibigay sa mga church na nakakasakop samin.

To cap our day off, nag chill muna kami sa Cafe Agapita. we had coffee, slice of cake and hamburger. Nerminisce naming yung araw na naginquire kami sa place na yun para maging wedding venue namin however, medyo nakulangan kami sa dating. Ngayon laki na ng naging improvement nya pero not as a wedding venue but more on tambayan na sya.

No description available.
No description available.

100 days before the big day

August 30 2021, National Heroes Day. Walang pasok. And its 100 days before our wedding. 💕

August 29 palang, habang nasa call kami ni Bri, nag alarm na sya. Actually kasi siguro mga July palang I’ve made a reminder sa calendar para sa 100th day before our wedding. So nag alarm sya. And kinilig ako ng very light. Kasi parang Christmas na sya na pwede na naming icount down

Dahil holiday, wala ako pasok and transition na ni Bri sa Sun-Mon off so lumabas kami.

First stop, SM. Para ipaadjust yung salamin kong napakatight. Then, naghanap ng bench kasi bibili si Bri ng pantalon at ipangbabayad nya ay yung points sa SMAC, however, wala na yung bench sa dept. Store. So sawi ang lolo mo.

After that, we went to festival. Need ko kasi idrop yung plastic waste na naipon ko sa Decathlon. Para idonate sa The Plaf, NGO who recycle plastic into construction material.

Tapos umepal yung tyan ni Bri. So nalibot namin halos buong festival para lang makahanap sya ng safe space to make popo

Sakto namang sa foodcourt ng Landmark sya nasettle. At dahil gutom na ko, dun na kami bumili ng food.

Gutom na ko pero di ko alam ang gusto ko. At dahil gusto ni Bri ng burger ng SNR, dun na kami umorder ng 2+1 quarter pounder and fries. After namin maclaim, pumunta kami ng Macao to order our drink. Isang Major na Pearl and Cheesecake Milk Tea lang kasi di naman ganun kalakas uminom ng milk tea si Bri.

At dahil MECQ, sa sasakyan kami kumain. And oh, did I mention na 22k new covid case ang naitala sa araw na to 😩

Habang nakain, nagkwentuhan kami. Hanggang sa naubos namin yung mga burger namin. At dahil nabitin ako, pinilit ko si Bri na hatian ako sa 3rd quarter pounder na burger. Naubos naman namin lahat ng order namin. Super busog!

Nung pauwi na kami, nagkwentuhan lang din kami about sa honeymoon with family planning on the side. Hanggang sa may umepal na revo/adventure na kinut kami bigla. Thanks God, ligtas kami.

Ganun lang kasimple yung 100th day before our wedding. And I love how simple it was. Its so us. Kaming kami yung araw na to. Kwentuhan, Kain, Roadtrip, Repeat. No dull moment. Napapatulala lang ako minsan kasi sobrang busog talaga dahil sa katakawan ko hehe.

August 2021

August was eventful for us.

By end of July we started the arrangements for our PreNup, everything are already arranged. We have reserved our venue, aligned the schedule with our suppliers and discuss our pegs.

Treasure Mountain was our venue para makuha yung sea of clouds. I also want a sunrise shoot as suggested by many. Nakapagreserve na kami saknila. May difficulty nga lang sa communication kasi madalang sila magreply.

Before mag end ng July, government declared na ECQ na ulit ang NCR. So we contacted our venue pero ang dalang talaga nila magreply. As per them, mahirap daw kasi signal. Hanggang sa me and Bri decided to change venue nalang kaysa mastress pa kami ng matindi sa pagkontak saknila. Luckily, they offered refund. Ang nakakaapgtaka lang, nung nagprocess ng refund, dun sila bumilis ng reply.

So the hunt for new venue begun. Ang dami ding place na kinonsider. Then we both agreed na sa Hillcreek Garden nalang sa Tagaytay. Para wala na ding out of town fee. And we decided to move our prenup shoot by September kasi patuloy paring tumataas ang cases ng COVID due to new variant called Delta.

Then my birthday came. My last birthday as a single lady huhu.

We also have processed nadin yung requirements na need ng simbahan.

I have requested a copy of our Birth Certificate and CENOMAR sa PSA via online which is very convenient. Then, si Bri naman nagasikaso sa Baptimal namin and Kumpil nya. Kasi sa Cavite ako bininyagan. Ako naman nagasikaso sa kumpil ko kasi sa Laguna naman yun.

Nung nakumpleto na namin, nagpasa na kami sa Lourdes. We were advice na ang seminar ay scheduled one month before the wedding unlike before na 3 months before ng wedding.

So ang schedule namin for Pre Cana ay sa November. Sadly sumakto sa date ng bday ni Papa. Pero wala naman kaming no choice kasi kaylangan yun.

After namin magpasa, naramdaman ko yung matinding effect ng COVID. Dahil ang Tagaytay ang sakop ng Cavite na under ng GCQ, pwede sila mag dine in. While samin na currently under MECQ, bawal mag dine in. So kahit gutom kna, sa sasakyan ka lang pwede kumain.

Nag Mahogany kami kasi miss ko na. And gutom na ko. Then after, nag chill muna kami near our events place. May nabasa din kasi akong kaylangan din ng couple na mag relax and mag pause sa preps and have a date. And it was indeed a breather.

We also have finally finalized our invitations and hopefully we’ll have our printed invitations by end of August.

Also, by August 30th will be the 100th day before our big day. 💕

So that’s our wedding preps progress report. Praying that we can push through with our prenup shoot next month.

My Wedding Gown

July 2, pumunta kami ni Bri para i-fit ko yung bodice ng gown ko. At hindi ako natuwa kasi…

Friday, may work ako nun pero off ni Bri. Since wala din naman ako masyadong ginagawa kaya tumakas ako ng after lunch. haha! Sinundo nya ako kasama si Bella. Kasi nasa SM si Mommy at ang mommy nya, dahil narin bawal pa pumasok ang bata sa mga mall.

After ko makapag ayos, sinundo na namin sila sa SM para ihatid pauwi. Tyaka kami pumunta kay Sir Ranel.

Pagdating namin, pahinga saglit tapos tinawag na ko para magsukat.

Pumunta kami sa isang kwarto saknila para dun ko maisuot yung bodice.

Nung naisuot ko na, natuwa naman ako sa porma. Kinocompress nila yung sa bandang katawan ko para mamarkahan yung abang para sa zipper. Doon nasabi ni Sir Ranel na ang laki na daw ng naipayat ko. Kasi ang laki na ng excess na tela sa likod. Yung sukat na iyon, kinuha lang 2 months before that day siguro.

After nila malagyan ng piin yung likuran, pinalabas nila ako ng kwarto. Ayoko sana kasi makikita ni Bri yung porma nung gown. Hindi naman ako makapalag kasi may kaylangan din gawin si Sir Ranel sa labas para sa gown ko.

Nung nasa labas na kami, dun nya pinatong yung lace na ilalagay para sa design ng gown. After nya malagyan ng pin, pintalikod nya ako para mailadlad yung trail. Happy naman din ako sa haba ng trail nung gown.

Ang hindi ako happy, may idea na si Bri kung ano itsura ng gown ko 😦

After ko magsukat, pinaalalahanan ako ni Sir Ranel na wag na magpapayat masyado kasi baka umulit from scratch yung gown ko. Panibagong gastos yun. Dun ako nag alala kasi kasalukuyan akong nag enroll para sa 2 months fitness program kasi gusto ko talaga gumanda hubog ng katawan ko.

Nung nasa sasakyan na kami, tinanong ko si Bri kung ano masasabi nya sa gown ko? hindi talaga ako natuwa sa reaction nya -____- kaya sa susunod na punta ko kay Sir Ranel, di ko na sya isasama. Ayaw nya nadin isama ko sya kasi mawawala daw yung element of surprise.

The Wedding Ring

Another essential for our wedding was already ticked off.

First week ng June, pumunta kami ng Ong Pin para maghanap ng wedding ring.

Since pandemic and madaming agenda na kaylangan asikasuhin sa Divisoria. Hindi ko na pinlano na mag ikot ikot sa Ong Pin para maghanap ng store kung san makakabili ng legit at murang wedding ring. So nagpaka proactive na ako and asked bride to be and already wed brides sa isang group sa FB kung saan best na makakabili ng wedding ring sa Ong Pin. And many have recommended the same place.

So, maaga kami umalis ni Bri kasi they have mentioned na pinipilahan daw talaga yun. Lalo na pag weekend. Luckily, kami yung una sa pila. Pero hindi kami nakapasok agad kasi mga 9am palang nandun na kami. Pero yung bukas ng store ay 10am pa.

Pag pasok namin, ang daming magagandang rings. The design we have in mind was plain lang na singsing na 18K. We were well assisted ni ate girl para macheck namin yung ibat ibang design ng wedding ring na meron sila.

Nung mag cclose deal na kami, since may nahanap na kaming ring na pasok sa peg namin. Tinanong ni Bri, kung meron ba daw yung may diamond and how much? tapos si ate girl, nilabas yung ring na nakita ko sa pinterest na gusto ko talaga. Kasi it will compliment sa engagement ring ko. Pinatry nila sakin and it feels like heaven haha. As expected, bagay sila ng engagement ring ko. Kilig ako pero tago lang haha!

Then tinanong ni Bri kung magkano. Sabi ko, sigurado ka ba? Tapos nung nalaman namin yung price. Lalo ako natuwa nung nalaman ko na medyo pasok sa budget. Sumobra sya ng mga 2k. Then tinry namin tumawad since open naman sila sa ganun. Nung tinawag ni ate girl yung may ari, they gave us 6,000 less from the initial price. And I was over the moon sa tuwa talaga! So sabi ko, g na natin!

Then, tenen, closed deal. ❤

However, di namin nakuha agad kasi kaylanga pa ipasadya yung kay Bri kasi walang available na size para saknya.

Then came the claiming day. Bumalik kami ng katapusan ng June kasi yun yung date na binigay samin ni ate girl.

Saturday ulit kami pumunta pero hindi na kami pumunta ng maaga since mag claim nalang naman kami. Indeed, haba ng pila. Pero tyinaga namin para matick off na namin yung wedding ring sa list.

Nung nakapasok na kami, nirequest namin na magpa engrave. However, yung kay Bri lang daw yung pwede since 3mm lang yung sakin. Di kasya if mageengrave. haha! So afte namin magrequest, balik daw kami after 40 minutes. Kaya tumambay muna kami sa coffee shop.

Pagbalik namin, haba parin ng pila. Pero pag magcclaim naman, may seperate na pila. Kaya nakuha nadin namin agad.

Noong pauwi na kami, nabbother pala tong si Bri na magkaiba kami ng design. Sabi ko naman saknya na he don’t need to worry kasi depende naman samin yun. And sabi ko saknya, wag na muna ipakita sa ibang tao yung wedding ring para wala kami marinig na unsolicited comments kasi panigurado meron yan since we broke tradition na kaylangan parehas yung design for the wedding ring.

Brian’s Suit

April 2021, after malockdown ni Bri sa office since nag declare ulit ng Enhanced Community Quarantine kasi pumapalao ng 10-15k new cases ang COVID.

Ginrab na namin yung chance na maghanap ng mapapagawan ng suit ni Bri.

Bago yung araw na yun, habang di pa pwedeng lumabas si Bri, naginquire ako sa iba’t ibang shops na gumagawa ng suits for the groom. May isa kaming natipuhan kaya lang sa QC located yung shop nila. Masyadong malayo. Pero i actually have a shop that i have in mind. Nakikita ko na sya before sa FB kasi masipag sila magpost sa mga bridal groups.

When I found the shop, nagtaka ako kasi wala sa list ng branches nila yung malapit lang samin na alam kong shop nila. Good thing, meron silang shop sa Imus. So no need na lumuwas sa Manila.

Tumawag muna ako to confirm if bukas sila and if need pa ba namin magset ng appointment. Kasi yun na yung naging protocol since mahigpit dahil sa pandemic. Sabi nila, bukas naman daw and we can do walk-in nalang.

Pagdating namin ni Bri sa shop, may tao na sa loob na nagffit na. Since maliit lang yung shop, sinabihan kami na magstay muna sa labas. Nagantay nalang kami sa loob ng sasakyan kasi mainit sa labas. Sabi din naman nila na tatawagin nila kami if done na yung naunang customer samin.

After few minutes na pagaantay, tinawag nadin naman kami. Nakakatuwa lang na kahit almost time for lunch na, inaccomodate parin nila kami.

Pag pasok namin sa loob, pinapili na si Bri ng style na gusto nya for his suit. Nagprovide sila ng brochure na pwede nya ibrowse. After nya makapili ng style, tinanong na nila kami if gusto na namin sya pasukatan. And i thought, para din hindi sayang yung punta namin, sabi ko magpasukat na sya.

We paid a downpayment after ng sukatan. Then pumili nadin si Bri ng preferred nyang color ng tela na gagamitin for his suit. Then we’re done.

Sabi ko kay Bri, ako unang naghanap ng papagawan ko ng gown. Sya pa nauna saking masukatan. haha!

The hunt for the Wedding Dress Maker

This journey started noong dumayo kami ng Pandi, Bulacan kasama ang mommy ni Brian since gusto nya din makapasyal.

Pumunta kami ng Disenyo Pandi at hinanap yung mga nakausap ko noon sa FB.

May pareho kaming nagustuhan ng mommy ni Bri kasi siguro na sales talk kami haha! Nagustuhan din ni Brian yung suit na pinasukat saknya. Sakto pa sa favorite color nya. Nung sinukat nya yung suit na yung nag times 100 yung kagwapuhan nya. (Yes namaan!) Haha.

Sumayd trip nadin kami sa Ninang ni Bri na magiging Ninong at Ninang din namin sa kasal.

I was convinced na gusto ko na dun since mura at tingin ko naman magiging maganda yung kalabasan ng gown ko. And hindi narin kami mahihirapan maghanap ng gagawa ng suit ni Bri kasi pwedeng sa same shop nalang sya magpagawa.

Pero there come a time na narealize ko na sobrang layo kung magpapabalik balik kami sa Bulacan. Naisip ko na I think mga taga Laguna has to offer when it comes to Bridal gowns.

So I tried to search sa mga groups, and I found this page, Ranel Espaldon Atelier, na nagcomment sa isa sa mga post ng wedding suppliers group na member ako. Taga Pacita lang daw sya. So nag inquire ako since napansin ko na quality gown yung mga nakapost sa page nya. Di lang basta quality, pang pageant at pinang ffashion show nya yung gowns na ginagawa nya

Affordable yung rate na binigay nya for my preferred design. And he even suggested better fabric to use for my bridesmaids which I found interesting since not all designer or gown maker do that. So nagset ako ng meeting with him.

Came our schedule of meeting, nung morning nagmessage ako saknya to confirm na tuloy yung meeting namin. Then he asked kung kapatid ko ba daw si Angel. Sabi ko,yes. Then sabi nya, dinamitan daw nya si Angel noong nag hosting daw sya para sa Youth event ng Parish. And I was like, woah! Small world. Grabeng coincidence naman yun. Kinilabutan ako kasi ang surreal. Since ilang linggo ko nadin pinagdadasal na ilead ako ni Lord sa tamang tao na gagawa ng gown ko.

Pumunta na kami sa place nya kasama si Mama at dalwang kapatid ko. Nagkadiscussion. Pinakita nya rin yung workplace nya at yung undergoing project nya na ipapang fashion show nya daw sa McKinley Hills sa BGC.

During the discussion, ok naman. Not until sinabi nya na yung presyo for mother’s dress. Sadly, namahalan si Mama. Tinry nya tumawad pero last price na daw yun. So dahil dun, parang nagdalwang isip na si Mama kung iclose deal ba namin si Ranel.

After our appointment, Mama said na maghanap daw muna ako. Baka may iba pang malapit.

May nakita ako sa Sta. Rosa lang. Pinuntahan namin after magsimba. Yung wedding gown ko, same price lang offer nyang rate. Then yung gusto ni Mama na jumpsuit, hindi daw sya nagagawa.

Lumipas ang mga araw, hanggang sa nag photoshoot si Ranel nung ginagawa nyang gown na pinakita nya samin. Gandang ganda si Mama. Sabi ko, pirmahan ko na ba yung contract? Sabi nya, sige na. Haha! Then nag send na ko ng reservation on the same night kasi baka magbago pa isip ni Mama.

So that’s how I found the person who will make my gown that I will wear on our wedding day. And I can really feel God lead me to him to answer my prayer 🥰 Thank you God!

Hopefully maging maganda outcome ng gown ko. Excited for April sa schedule ng kuhanan ng sukat hihi.

Ocular for Wedding Preparation Venue Part 2

Ito na nga ang Final Part ng pag occular namin for Wedding Preparations Venue. Why?

Wednesday, February 24, sinet namin na mag occular ulit for Wedding Preparation Venue para ma tick off na namin sa to-do namin.

Since nagwork ako ng weekend, nai-offset ko yung work hours ko noon for our schedule. At ayon din kasi sa off ni Bri

Hindi ganon kaganda yung naging simula ng araw namin since masama pakiramdam nya kasi unti unti na syang natanda at nasakit na ang kanyang balakang. Ang masakit pa dun, nakalmot pa sya ng tuta namin. Talaga namang buhay to, parang life.

Pinagbreakfast ko muna sya para gumaan kahit papano yung pakiramdam nya. After magbreakfast. Umalis na kami para mapuntahan yung una naming destination.

Pag dating namin sa Mendez, pinuntahan na namin yung Villa Estellita na malapit lang sa reception venue namin. Maganda naman at malawak. Kaya lang lampas sa budget namin since mag increase daw sila ng rates by May, kaya yun na iaapply sa date namin if ever.

After namin bumaba sa napakatarik na entrance nung una naming napuntahan, maaga pa para sa schedule ng susunod naming destination, kaya nagpunta muna kaming Twin Lakes kasi kaylangan na mag toilet break ni Bri. So umorder ako sa SB para sa brunch namin.

Nag advice na kami sa Z House Tagaytay na mag occular kami, however, yung kausap namin sa page nabanggit na labas lang daw makikita namin. Good thing is binigay nya yung number ng caretaker nya. So tinawagan ko to confirm kung makakapasok kami sa loob, sabi nya pwede naman since pa-out nadin yung nakacheck in nilang guest. Sabi nya ittext nya daw ako if naka check out na yung guest nila. Come 11am then tinext ko si caretaker if we can go na sa place, she called and confirmed na pwede na daw. So pumunta na kami right after the call.

Pag pasok namin sa loob ng Z House, homey vibes talaga ang ipaparamdam sayo na place. Ang ganda ng interior, parang classic English house. At ang pinakanagustuhan ni Bri ay ang Jacuzzi at Bath Tub. Dun palang, naramdaman ko ng close deal na to saknya haha! May pool pa na magiging bukas na soon. And ang rates, afford. Pasok na pasok sa budget. Pero as usual, ayaw namin magpadalos dalos kaya pinagpatuloy namin ang aming itinerary.

Next stop, Casa Terrazola. Same look as Villa Estellita. Malawak na field, may gazebo, may pool. Maganda din kasi may Grooms Suite na nakahiwalay sa Bride’s Suite at iba rin ang Family Room. Kaya lang, hindi namin nakita yung ichura ng Bride’s Suite kasi may guest na nakacheck in. Pero sa rooms na nakita namin, I can say na quality din yung pagkagawa. Also, affordable din naman.

And that’s how our itinerary end. Bumaba na kami pa Sta. Rosa Tagaytay Road kasi may Call of Nature nanaman si Brian kasi pinilit ko daw sya uminom ng kape haha! We ended our day with a sumptuous Samgyupsal at Samgyupsalamat.

Mukang may nanalo na. And it really deserved to win. Bale ang problema nalang ay kung pano magiging pwestuhan namin sa mga rooms. Kasi ngayon palang, pinaplano na yun ni Bri kasi excited sya. Haha!

Ocular for Wedding Preparation Venue Part 1

Bakit may Part 1? Kasi baka magka Part 2 pa. Bakit? Well, here’s why.

Last year, we decided na mag hanap na at mag ocular para sa magiging venue namin for Wedding Preparation wherein we will stay overnight. His family and my family together in one roof for that night.

So early this month (January) I compiled places na nagustuhan namin. Na dapat, instagrammable enough para sa pre wedding pictorial and dapat kasya family namin parehas.

Dahil off ni Bri ay Tue & Wed, nagleave nalang ako ng Tuesday since kaylangan nadin magubos ng leave. Bale hindi yun yung main agenda namin kasi ang main reason kaya kami aakyat ng Tagaytay ay para makapagrenew ako ng NBI for my new work.

Monday that week, nag strategize na si Bri pano magiging ruta namin at kung ano mga pwede naming puntahan para makapag ocular.

Tuesday, nagpamedical ako first thing in the morning. Inabot ako ng 10am kahit dumating ako ng 7am. Sadly, hindi na namin napuntahan yung unang pupuntahan sana namin na place which is Z Family Rest House at La Prairie Tagaytay

Z Family Rest House at La Prairie Tagaytay

Such an instagrammable house. However, they need us to be there ng 11am sharp. So hindi na namin kaya umabot since 10am paakyat palang kami ng Tagaytay. So kasama na sya siguro sa Part 2 ng blog na to.

It was past 11 am when we arrived at Tagaytay proper so we decided to go at Hardin De Asis which is one of the places on our list. It is in Mendez. And medyo malayo sya sa Reception venue namin and syempre malayo nadin sya sa Church.

But despite its location, the place was good enough and affordable. Ang luwag at ang peaceful din. Napakaganda din ng Gazebo nila.

Hardin De Asis Gazebo

After that, we went to our reception venue since along the way lang sya kasi sa Mendez din sya located. We picked up our copy of contract and requested to see the transient house na kasama sa naavail naming package.

The place was nice. Naabutan namin sila naglilinis kasi may kakacheck out lang daw na guest.

So we checked the rooms and maganda naman yung double deck. Presentable cos maganda ang finish and wood.

Since 10 person lang yung kasama sa package namin, the owner said na 1 room lang daw maavail namin. Then we asked what if we avail the two rooms para pwede pagstayan ng 20 persons. We just need to add nalang daw, also to include the swimming pool nadin.

After namin makuha yung contract, we decided to eat at Mahogany Market to have a sip of Bulalo which we missed.

After we ate, kumuha na muna ako ng NBI. Then off we go to Serendipity Inn which has this majestic view of Taal at their balcony.

Okay na sakin yung place kahit medyo hindi ganun ka instagrammable yung rooms kasi bawing bawi naman sa view. And affordable sya. Kaya lang hindi pasado kay Bri.

Actually, napagkamalan pa kamin ng caretaker na wedding coordinator kami na naghahanap ng venue para sa other couple haha!

Off we go to our last stop, Damesca Events Place.

Ang ganda ng labas nya. Kaya lang hindi namin na check yung rooms kasi may guests daw sila. So nagpadiscuss nalang kami sa taong humarap samin. Sadly, max person daw na kaya nilang maaccomodate ay 16 lang. Which is less than what we need. So kahit ang ganda nya, ekis na din sya

So ayun na nga mga kaibigan. Kaya po may Part 2 tayo kasi hindi pa namin mahanap yung the one na makakapag pa yes samin ni Bri as our Wedding Preparation Venue.

Wedding Preps: To blog or to vlog?

December naaaaaa!

Which means, same day next year panigurado hindi na ko nakakatulog sa kaba at excitement or super stressed na ko sa mga last minute na kakulangan and what not.

Actually, ngayon palang nasstress na ako kasi hindi ko alam if ibblog ko nalang ba yung wedding preperations experiences namin or magpaka trying hard to vlog everything. Basta ang main goal, I want this all to be documented para may babalikan kaming mga kwento pagdating ng panahon. And even our future kids will know gaano kalupit magplano yung parents nila sa naging kasal nila.

Yesterday, I started looking for a camera vlog setup. However, yung available na mirrorless camera ay walang slot for external mic. Which means, if ever mag vlog man kami. Maingay. Maririnig yung hangin and mga unecessary noise. While my phone naman doesn’t have a jack for external mic as well.

So medyo nadidiscourage na din ako mag vlog. And it will take time and skills to edit the videos pa. Whereas pag blog naman, I can type and make kwento pero kasi once in a blue moon lang ako ginaganahan magkwento and madalas pa, nakakalimot ako ng details which can be captured via video.

Partida, hindi pa nagsisimula yung wedding preps pero may kinakastressan na ko haha! anuna.

But I guess, its more leaning unto blogging. I’ll just buy a journal or a notebook to jot down notes to add on this blog. Which actually I think is more practical since mas mura yun kaysa sa devices and equipments we need for vlogging.

I just hope and pray that God bless me with enough sipag para makapagblog regularly every preps and every tasks we will accomplish on the upcoming days.